Ang takbo ng drama sa Pilipinas
- Namatay na ang kontrabida, mabubuhay pa uli.
- Nasunog na ang mukha, babalik uli sa dati, tapaos masusunog uli tapos babalik uli sa dati.
- Paikot ikot ang istorya.
- Masyadong OA ang kasamaan ng mga kontrabida.
- Kapag may mga fight scene, may baril na ngang hawak, hinahabol pa, hindi na lang iputok. tsk tsk.
- Habang kumikita, pahahabain ang istorya. Halimbawa na lang ang “Ikaw lang ang Mamahalin” na drama sa syete na umabot na ata ng halos 2 taon sa telebisyon. Anak ng teteng.
Ibang- iba ang takbo ng drama ng mga koreano sa takbo ng drama dito. Kaya wala talagang binatbat ang dramang pilipino sa dramang koreano. Nakakaumay na e. Habang kumikita, pahahabain hanggang sa abutin ng isang dekada ang drama ng pinapalabas nila. Bubuhayin yung mga dating namatay na, etsetera.
Dapat magsilbing inspirasyon sa kanila ang mga drama ng korea na patuloy na sinusubaybayan ng tao. Walang pasikot sikot. Hindi pinapahaba. Kung ano dapat mangyari, yun ang mangyayari. Kung ano ang istorya, yun talaga. Anak ng teteng na drama sa tv yan. Aish.
korek!!!
sa totoo lang gumagastos ako para bumili ng mga pirated dvd’s ng koreanovela pero asar ako manood ng mga teleserye dito kase imbis matuwa e naiinis ako hehehehehehe
Wow! I don’t even watch korean dramas here. I do like some of their historical dramas. Are they dubbed in Tagalog?
oo!
Tama.Korek.Right!
Wala tayong binatbat’..
-K.W